|
|
mu
Nahihirapan na ako
ayoko na magsabi ng nararamdaman ko kasi pag ginagawa ko yun lagi na lang di maganda ang nangyayari… kahapon lang naguusap na kami ulit pero ngayon hindi na naman…
wala ba akong karapatan magsabi?
paano ba ang hindi malungkot? mas mabuti na yan siguro ngayon na wala ka pang naaalala… at least nandito ka na… yun nga lang wala naman lahat ng ala ala mo…
napakahalaga pa naman nyan… lalo na now tinatanong nila ako about satin… unfair para sakin kasi hindi ko alam kung sino ang maniniwala sa mga pinagsasasabi ko… wala ka man lang naisulat sa mga happy moments natin… Kapag tinatanong kita sinasabi mo naman na masaya ka pero wala ka man lang naisulat sa mga happy moments natin… wala ka man lang din kasing ibang nasabihan maliban sa mga tao na nakakachat natin na hindi naman nila personal na kilala… kapag malungkot nakasulat agad pero pag masaya…. ang hirap magsulat diba? pareho lang naman ang nangyari sating dalawa… sa mga panahon na masaya tayo, hindi ko maexplain in words ang happiness na nararamdaman ko kaya ni isa wala man lang akong maisulat.. at ang sabi mo ganun ka rin… pero sinabi ko na sayo dati magsulat ka kahit papano… gaya ngayon paano na yan?
sinabi ko na sayo baka dumating ang time na ganito…
hayzz…. Lex ang hirap…
nahihirapan na ko lex… pero sige magpalakas ka muna sa ngayon… kailangan mo muna lumakas at makarecover ng tuluyan…mas mabuti na rin ang situation mo sa ngayon na wala ka pang naaalala… maghihintay lang ako kagaya ng napagusapan natin.. wag kang mag-alala… nandito lang ako sa tabi mo… hindi kita iiwan… mahal kita sobra…